Monday, March 14, 2011

KATAPUSAN NA NG MUNDO?

 
Sa nangyayaring sunod sunod na sakuna sa ibat ibang bahagi ng kapuluan mula noong 2004 sa Thailand at India hanggang sa pinaka bagong sakuna o kalamidad na naranasan ng bansang New Zealand at ang pinaka bago ay sa bansang  Japan, ating naitatanong lalo na ng mga kapatid nating krisityano kung “katapusan naba ng mundo”. Ito ay paulit ulit nating napanood na mangyayari sa hula ng batikang si Nostradamus at nakalathala rin daw sa Bibliya. Sa iba lalo na sa mga relihiyoso, hindi na ito kabigla bigla o natatangi dahit ito ay nakapaloob na at nakatala sa mahal na bibliya na kung saan ay talagang inaantay na lamang kung kailan darating.
  Sa 93 milyong Filipino na naninirahan sa Pilipinas, mahigit Otsenta Porsyento ay mahihirap at karamihan ay walang pinagaralan at umaasa sa mga impormasyon galling sa gobyerno na kung saan ay mahigit na imposible na sa kanila makakarating dahil sa kahirapan, walang pamasahe para makarating sa lokal na barangay pamayanan o di kaya ay walang panahon dahil sa abala sa paghahanap ng makakain sa araw araw.
   Ano nga ba ang dahilan ng mga kalamidad na ito? Sa mga siyentipiko, dahil sa nagkaroon ng pag galaw ng lupa sa malapit sa dagat ay inaasahan ang tsunami o pagtaas ng tubig na umabot sa ilang metro. Maari ring maging resulta ng lindol ang pag guho ng lupa at mga aktibidad ng bulkan. Halos umabot na sa dalawang  libo ang namatay at ang iba ay nawawala pa dahil sa isa sa pinakamalakas na lindol na naganap sa bansang Japan. Ang mundo ay 71 porsyento na binubuo ng tubig at ang natitira ay kapatagan. 8.9 ang lakas ng lindol sa Japan na nagresulta sa tatlumpung piye na tsunami na kung saan ay napinsala ang lahat ng madaanan nito. Nagkaroon pa ng napakaraming pagyanig o “aftershock” na kung saan ang mga residente ay nangangamba pa rin at ang karamihan ay wala ng mga tirahan.
   Ayon sa isang miyembro ng Iglesya ni Kristo, Nalalapit na ang katapusan ng mundo, ito raw ay nasa bibliya at ang maliligtas lamang ay nasa loob ng Iglesya ni Kristo ngunit hindi lahat sa kadahilanang hindi lahat ay mabuti. Hindi rin sa tubig ang magiging dahilan ng pag gunaw ng mundo kundi sa apoy. Mga lingkod lamang ng diyos ang maliligtas at wala kahit saang relihiyon ang makakatakas dito. Sinabi rin nya na ang mga sumusunod lamang sa utos ng diyos at ang mga nagpapasakop lamang kay kristo ang hindi makakaranas ng pag gunaw ng mundo at ito ay makikita sa “Gawa 20-28” sa Bibliya. Ayon rin sa kanya, siya ay hindi natatakot dahil alam nya na sya ay maliligtas at lahat ng nangyayari ay hindi na kabaha bahala dahlt lahat ay nakasaad sa bibliya.
   Ito ay isa lamang sa napakaraming myembro ng isang organisasyon na relihiyoso. Bilang isang katoliko, ang naganap ay napakaraming pwedeng magpaliwanag mula syensya hanggang sa pangkaraniwang nilalang. Kung ang gobyerno ng pilipinas ay hindi magiging handa sa ganitong mga kalamidad, baka higit pa sa mga nawalan ng tirahan ang maranasan dito. Ang Japan ay isang tinagurian na napaka higpit at napaka galing sa kanilang mga produkto na ginagawa. Ang mga gusali ay siguradong nasa tamang disenyo, ang ginamit na mga materyales ay nasa tamang  ispesipikasyon, bilang at laki ngunit ating nakita kung paano lamunin ng tubig at mga bahay na gumuho ang ating natunghayan pagkatapos ng kalamidad.

   Sa napakatagal ng karanasan ng ilan nating mga inhinyero ditto sa pilipinas, mula sa pagsunod ng “easement” hanggang sa “setbacks” na ginawang batas n gating gobyerno upang maiwasan ang sakuna para sa mga residente at nagpapagawa ng bahay o gusali, napakaraming hindi nakakasunod dito. Karaniwang rason ay:
1.       Napakaliit ng lote kung kayat gusting gamitin ang buong “area” para lumawak ang titirhan.
2.       Kurapsyon sa mga namumuno na sinasang ayunan ang mga nagpapagawa ng bahay kahit bawal sa batas.
3.       Walang kwalidad na mga “row housing facility”.
4.       Minamadaling mga straktura upang medaling malipatan na nagkukulang naman sa tamang “curing time”.
5.       Ganid na mga kontratista. Para lumaki ang tubo ay binabawasan ang timbang ng mga bakal na gagamitin o di kaya ay gumagamit ng mga “substandard” na materyales.

   Ito ay ilan lamang sa mga rason kung bakit nagkakaroon ng pag guho sa ilang straktura dito sa pilipinas at kung kaya’t pumapangit rin ang nagiging reputasyon ng ating mga kababayang nangongontrata ng ganitong mga proyekto na nadadamay rin ang mga naghahanapbuhay na may integridad sa buhay. Sa ganitong kadahilanan, sa hirap ng buhay at sa mga nakasanayang Gawain na dapat mabago mula sa pangit na kultura n asana ay mabago ng paunti unti ng bagong administrasyong Aquino.
   Ang pilipinas ay binubuo lamang sa ngayon ng 93 milyong katao, humigit kumulang at kung ikukumpara sa bansang Tsina ay napakaliit. Mas madali at mainam na turuan ng pagbabago na makakamit lamang kung ang pagbabago ay magmumula sa taas ng gobyerno. Ang implementasyon ay magaganap kung lubos na ipakikita ang pag eenganyo at tuwirang pagbabago lalo na sa pagsusumite ng mga “proposal” sa ikagaganda ng bayan. Ang kalamidad ay hindi inaasahan, tulad ng Ondoy, isang di inaasahang nagdulot ng perwisyo at delubyo sa buhay ng nakararami nating kababayan. Isa ang nagging problema sa nakaraang kalamidad na iyon, basura. Kung napakalakas na lindol at tsunami kaya an gating nakaharap? Handa na kaya ang pilipinas sa mga makabagong “tools” na kinakailangan? O ipagdarasal na lamang natin na kung katapusan na ng mundo, sana hindi totoo ang sinasabi ng ibang relihiyon na sila lamang ang maliligtas.






No comments:

Post a Comment