April 28, 2011- Sa 54,000 mamamayang naninirahan sa isang munisipyo mula sa bilang noong taong 2007, sa halip na 1:500 ang ratio ng kapulisan at mamamayan, dito ay 1:179. Nagtalaga ng tatlong cluster ang PNP police ng Calauan, Laguna sa ibat ibang panig ng kanilang nasasakupan na sa tingin nila ay strategic location upang lubos na mabantayan at makatulong sa mga nangangailangan.
Calauan, Laguna na humigit kumulang sa 70,000 mamamayan na ang naninirahan sa ngayon buhat sa pagdagdag ng mga relocates na nanggaling sa ibat ibang panig ng kapuluan na kung saan ay naninirahan na sa ngayon sa relocation sites gaya ng National Housing Authority (NHA), ABS CBN foundation “Bayan Ni Juan” at Binay Compound ay lumalaki na sa populasyon. Sa ganitong sitwasyon, ang pagdami ng bilang ng kapulisan ay isa na ring pangangailangan. Mula sa Hepe ng PNP Calauan na si Andres Ocampo Simbajon Jr. 40 na taong gulang at mag dadalwang taon na sa panunungkulan sa bayang ito, nadagdagan na mula sa 26 na kapulisan hanggang sa 47 sa taong kasalukuyan. Bagay na napakahalaga sa lumalaking populasyon.
Sa kanilang pagnanais na mapalapit ang kapulisan sa mamamayan, sila ay nagsagawa ng mga “cluster” na kung saan may mga nakatalagang kapulisan upang mas mapalapit ang mamamayan at dina kailangang pumunta pa sa tabi ng munisipyo na kung saan nakatirik ang himpilan ng lokal na PNP. Ito ay sa mga barangay gaya ng Masiit, Bangyas at Limao.
Ang lokal na kapulisan rin ay humihiling na magkaroon ng sariling himpilan at hiwalay na lugar para sa WCPD o Women and Children Protection Center. Sa ngayon ang tanggapan o kung saan ang lugar na kung saan ang mga mamamayan ay dudulog kung sakaling may pangangailangan o reklamo ay may sukat na humigit kumulang na 5 ft x 20ft na kung saan ay napakasikip dahil sa mga tables pa na nakaharang at iisang lugar para sa pag iinterview. Sila ay humihiling na kung saan sa kanilang palagay ay mas kaaya aya kung may hiwalay na himpilan para sa mga naabusong kabataan at mamamayan upang mas maging kaaya aya ang pagsisiwalat at pag iinterview.
lugar kung saan isinasagawa ang interview o pagtanggap ng reklamo
Ang Calauan PNP ay nagsagawa na rin ng seminar para sa mga barangay Tanod na kung saan ay tinawag nilang “Tanod Enhancement Seminar” upang lubos na mabigyang kaalaman ang mga magigiting na nagbabantay sa mga barangay.
No comments:
Post a Comment