Sa hirap maghanap ng trabaho sa ngayon at sa hirap na nararanasan ng mayorya nating mga kababayan, hindi maisasaisang tabi ang pangangailanagang dapat na mabayaran katulad ng pagkaing dapat nasa hapag kainan upang manatiling busog ang mga anak, damit na kahit luma na iay pilit na isinusuot kahit na sa isang magarbong dadaluhan na ang mga kaklase ay may naggagandahan at bagong kasuotang naipararangya at tahanan na ating silungan at magpoprotekta sa mga anak upang makaiwas sa ulan, magkaroon ng panatag na pagtulog at kahit na hindi legal na pag aari ang lupang kinatitirikan ay nangangailangan pa rin ng liwanag upang sa gabi at sa pagaaral sa pang publikong paaralan ay matustusan ang tuloy tuloy na pagbasa sa librong makakatulong sa magandang kinabukasan.
Liwanag ay pangangailanagan na sa ngayon o bbukambibig ng karaniwan na ilaw na may kapalit na kabayaran. Ilang kilalang nag susuplay sa buong kapuluan tulad ng Meralco o Batelec ay isang pangalang halos lahat ng tao sa Pilipinas ay nasasambit. Hindi mawawala sa ating isipan kung araw na ng bayaran. Kailangan ng magtabi ng kaukulang pera upang dumaloy ang liwanag sa gabi o dilim na hindi mapigilan.
Sa hirap ng pamumuhay sa ngayon, halos lahat nadaing sa taas ng mga pinagbabayaran. Si Eloisa ay isa sa isang Filipina na dama ang hapdi ng kahirapan. Limang taon ang nakalipas ng siya ay nangailangan ng isang Transpormer upang magamit sa nasasakupan, nagkahalaga ito ng 119,000 pesos na ibabalik din daw or “refundable” na tinatawag sa ating usual na kaalaman. Malaking halaga ngunit kailangang mabayaran ng dumaloy ang liwanag at magamit sa pangangailangan. Hindi pwedeng patingi tingi o hulugan, ito ang ating nakasanayan sa mga “institusyon” na ating nakalakihan. Minsan nga kahit nagkulang ng bente singkong sentabo sa isang malaking “mall” o departamento sa ating pagbabayaran ay hindi papayag ang kaherang napag utusan rin lamang.
Limang taon ang nakalipas at kumukubra na si Eloisa upang makuha ang 119,000.00 pesos na sa kanilang paguusap ay dapat naibalik sa kanya ang ilang porsyento sa loob ng isang taon. Limang taon at ngayon kinakailangan nyang mabuti na makuha ang perang pawis at dugo ang pinangalingan. Ngunit paano kung ang sagot sa iyo ng bumungad ay wala ng makukuhang “refund?” nagsikip ang kanyang dibdib, napakalaking halaga at wala sa kanyang hinagap ang ganoong kasagutan. Ay! Nagkamali pala ang kaherang napagtanungan, hindi sya pamilyar sa kinukubra ni Eloisa kung kaya’t ipinasa nya sa ibang kasamahan ang hinaing ni Eloisa.
Muntik ng ma “stroke” ang dalaga sa napakinggang una, paano kung ang kukubrahin ay nagkakahalaga ng kalahating milyon at ang bungad agad ay pagkakamali ng mapagtanungan na dapat ay espesyalista at “skilled” sa kanyang inatas na tungkulin o trabaho, isa siyang edukado dahit hindi sya magkakaroon ng posisyon sa isang malaking “institution” kung siya ay di nakapag tapos ng pagaaral, sa Pilipinas pa, na sa sobrang dami ng tao ay 7% daw ang walang trabahong mamamayan. Sa Pilipinas pa na kahit nakapagtapos ka sa isang magandang paaralan ay napakarami naming kumpitensya sa aplayan ng pagtratrabahuhan.
Naalala ni Eloisa na hindi sya makakabitan ng kuryente kung hindi nya babayaran ang hinihingi ng “institution” na ito, kung kaya’t nangutang pa sya para lamang maibayad para ditto, ngunit bakit ngayong kubrahan na ng “refund” ay mukha yatang pahirapan na. Isang lingo na ang nakakalipas, ang sabi ng kausap nya ay hindi raw kasi “perpekto ang sistema nila.” Aba! Hindi perpekto ang sistema? E paano ang binabayaran ni Eloisa buwan buwan na sa kanyang palagay ay para syang naholdap sa laki ng kanyang pinagbabayaran? E paano kung hindi pala tama ang “computation” ng kumpanyang ito na sinisisngil sa kanya buwan buwan na kung hindi babayaran ay tiyak na puputulan sya sa loob ng ilang araw lamang, di makaya ang ganitong pangyayari sa pakiusapan, e bakit ngayon, pera na nya ay pahirapan pa sa pagbabalik sa kanya.
Sa hirap ng buhay sa ngayon na kahit isang butyl ng bigas ay ating pinanghihinayangan ay makakarinig kappa ng “Hindi perpekto ang sistema” kaya may “delay” o pagkakamali na sa halip taon taon ang pag “rerefund’ kay Eloisa ay dumating pa ang Limang taon na kung hindi nya naalala ay “Thank You” na pala ang kalalabasan.
Sa hirap ng buhay sa ngayon, sa hirap kumita ng pera na kailangang tumulo talaga ang pawis bago makuha ang sweldong inaasam ay makakarinig kappa ng “hindi perpektong sistema?” na sa ating lahat na palagay ay isang pagtatago na lamang ng talagang katotohanang nangyayari sa araw araw. Paano na ang mga taong hindi katulad ni Eloisa na may matatanggap pa pala ay nakalimutan na? Nangyayari ito kung minsa sa mga “Insurance” Company na may matatanggap pa pala ang naghuhilog ditto ay hindi napapabalik dahil sa isang ganap na kasinungalingan at pagka gahaman sa salapi. Mahirap talaga kung minsan ang maraming alam, sa halip na walang iniisip ay naging problema pa ang problema ng sambayanan, “aware” sa nangyayari sa bayan at komyunidad. Paano na ang mayorya na hindi alam ang alam ni Eloisa? Kaawa awing mga nilalang, ngayon, paano na ang 119,000.00 peosos na kinukubra nya, hanggang kailan mag aantay? Hanggang kailan maghihintay ng “ISANG PERPEKTONG SISTEMA?.”
No comments:
Post a Comment