Monday, November 7, 2011

Crimes of the Elite



Pilipinas na binubuo ng mahigit kumulang na 95 Milyong katao ay naghahanap pa rin ng isang Lider na makakapagpasunod sa karamihan, tuwid na daan ang kinakailangan at may kamay na bakal. Kadalasan ang mga nahahalal sa pinaka mataas na katungkulan ay mga kilala, batikan o may mga dugong pulitika ng nananalaytay sa kanilang ugat. Mga maykapangyarihan na sa kani kanilang bayang sinilangan at ginagalang sa kanilang komyunidad, nagtapos sa matataas na paaralan sa ibang bansa o kaya naman ay nagka posisyon dahil sa popularidad sa palakasan man o sa pinilakang tabing.

Napansin nyo naba ang pagkakaiba ng krimen sa ngayon na ang nasasangkot ay mahihirap at may kapangyarihan? Napagnilay nilayan na ba nating lahat ang pagkakaiba ng hustisya kung ang nasasakdal ay isang hamak na Juan o isang mayamang si Diego? Gaano man kagaling ang namumuno sa ating bayan, may prosesong pinagdaraanan ang paglilitis, ngunit ang kaibahan sa haba ng panahon, prosesong pinagdaraanan at sistema ng hustisya ay may malaking pagkakaiba ang mahirap at mayaman.



Sa kaso na may kapangyarihang opisyal na nadidiin ngayon sa “Plunder”, ilang beses na ba nating nasilayan ang kanyang presensya sa hukuman? Humarap na ba sila upang ipag tanggol ang sarili mula sa nag gigitingang mata ng taong bayan at nangitngitngit na mga mapagmasid? Sa ating natunghayan sa radyo man o telebisyon, mukha yatang nagkakaroon ng mga sakit sa katawan ang mga nasasakdal. Mula sa diksyonaryo, ang salitang “Plunder” ay katumbas ng “magnakaw”, “manloob” o “mang agaw”. Magnakaw ng hindi kanya, manloob sa iba, o mang agaw ng hindi sariling pag aari. Sa madaling salita ay kumamkam o kumuha ng hindi nya pagaari ngunit ito ay hindi kayang gawin ng iisang tao lamang lalong lalo na kung ang pinaguusapan ay kaban ng bayan. Napakaraming proseso ang pinagdaanan ng pagnanakaw, hindi lamang iisang araw ang ginugol ditto kung limpak limpak na salapi ang nakulimbat. Ang tanong mangyari ng mga pangkaraniwang mamamayan ay kailan may makikitang may kapangyarihang nakulong.

Kung ang nagkasala ay isang pangkaraniwang mamamayan, kulang sa pinag aralan at walang abogadong magtatanggol man lamang, hindi pwede na ang rason ay nagkasakit ng ilan ng buwan, hindi pwedeng humiling na mangibang bayan man lamang upang doon magpagamot at higit sa lahat mas mabilis pa sa ulupong ang proseso ng paglilitis. Napaguusapan ba sila? Gaano kahirap ang maging mahirap.

Sa mga mahihirap nating mamamayan, suspek ka pa lamang ay naka kulong kana. Natanggalan ng ilang araw, buwan o taon sa iyong buhay bago mapag alaman na wala ka palang kasalanan. Ang hustisya sa Pilipinas ay isang “iling” sa karamihan. May magagawa ba ang mahihirap upang ipagtanggol ang kanilang kinasasapitan? Sa tuwing eleksyon, ang ating mga inihahalal na may mga platapormang; Itaas ang pamumuhay ng nasasakupan, pagkakapantay pantay ng mga mamamayan, trabaho para sa lahat, pag iingat sa inang kalikasan, pag igtangin ang proyektong inprastraktura para sa bayan o matanggal ang krimen para sa tahimik na pamumuhay ay ilan lamang sa mga pinanghahawakan o rason kung bakit natin sila nahalal. May nakatupad naba?.

No comments:

Post a Comment