Thursday, June 7, 2012

Kaibahan noon at ngayong tapos na Kay Corona

Natapos ang mala teleserye nating pinanood mula sa Senado ng buhay. Ilang buwan ding pinagkaisahan, pinagkaabalahan at pinagbuhusan ng oras. Ang pagpapatalsik sa isang Huwes mula sa kamay ng mga Huradong Senador na namamahala sa ating bayan, Tunay nga bang tama ang paghusga?


Ang dating Chief Justice Renato Corona ng Supreme Court ay inakusahan at napatunayan na may sala sa Hindi tamang pag rereport ng kanyang Statement of Assets and Liabilities Networth (SALN). Nilitis ng ilang buwan at nagpakita ng Ibat ibang ebidensya ang prosecution at mariin at matamang nasagot ng depensa. Ang Buong sambayanan mula sa mga estudyante, guro, inhinyero, mangangalakal, writer at blogger ay lahat biglang naging mga espesyalista sa batas. Kanya kanyang kuro at batayan na tila mga expert sa batas na Kung tutuusin ay dapat pag aralan sa loob ng humigit kumulang na limang taon upang makapagbigay ng objective na Sagot sa Bawat hain ng ebidensya o sa karamihan ay kuro kuro sa napapanood sa television.

Ang tanong ni Maria, natapos ang lahat, ano na ang benepisyo at advantage na makukuha natin sa ngayon? Ang Lahat ay tumutok sa napaka laking halaga na pag aari ng iisang tao na may mataas na posisyon sa lipunan. Lahat ay namangha sa kadahilanang naikukumpara ang yaman sa karamihang mahihirap na mga Filipino. 

Hindi ako nahusga sa yaman bagkus humanga sa paraan kung paano magkakaroon din ng kasaganahang iilan lamang ang nagkakaroon, humanga ako sa sitwasyong hindi nag resign at ipinaglaban ang karapatan hanggang sa huli. Hinangaan ko ang buong pamilyang hindi nangiwan sa nasasakdal at higit sa lahat, humanga ako sa tatlong husgado na sa kabila ng mayorya ay pinili ang "acquittal" na boto na may magandang rason na naintindihan ng karamihan. 

Natapos ang teleserye, ngunit kaiba sa mundo ng mga artista ay ang realidad na ating nasusumpungan sa araw araw, ang kahirapan na hindi maikakaila sa bungad ng lansangan, ano na ang kahihitnan ng nasakdal at ano ang nakamit ng sambayanang Filipino? 

Lahat tayo ay nagsusumamo sa magandang buhay, ranas
Ng karamihan ang hirap ng taong walang makain sa araw araw, walang maayos na tulugan, walang maayos na silid paaralan, walang maayos na edukasyon, walang maayos na hanapbuhay o Kung mayroon
Man ay kulang na kulang ang kinikita sa pagtustos sa pamilya, danas ng karamihan ang hirap sa paghahanap buhay upang maitaguyod ang anak sa pag aaral, danas ng karamihan ang lansangan Kung saan pinaglalaban ang karapatan, danas ko ang hirap ng aking mga kababayan upang makamit ang hustisya. 

Ano na ang kaibahan bago nilitis si Corona at sa ngayong nahusgahan na? 

Ano ang maibibigay na ginhawa nito sa pangkaraniwang Juan at Maria? 

No comments:

Post a Comment