Saturday, April 9, 2011

Dis-krimi-nasyon sa Trabaho

   Matapos lumampas ang bilang ng edad ko sa kalendaryo ay tila nagka amnisya na at minsan ay nagbibilang na sa daliri sa tamang gulang. Ang masaklap, ano at ngayon ko lang din naobserbahan ang mga patalastas gaya ng mga kwalipikasyon tulad ng edad sa pag aaplay ng trabaho. Eto ako at nakatingin sa "Job Hiring" para sa isang nangangailan ng "Office Assistant". Malakas ang sounds dito sa kinauupuan ko na isang magandang establisyamento, pinipilit kong isulat ang aking pagkadismaya na nasasaloobin, okey, kailangang mag concentrate. Ang nakalagay ba naman na kwalipikasyon, ay 18 to 25 years old, ang tanong ko ay bakit? ano kaya ang kaibahan kung lumampas ng isang gulang tulad ng 26 o kaya ay ehem! 30? May nakalagay rin na "Female, Single".  Hindi kaya ito ay isang diskriminasyon o mayroon bang pagaaral na ito ang nakasaad:

  • Kapag mas mataas ang edad sa 25 anyos ay wala ng kakayahan upang maging isang "Office Assistant?."
  • Kapag may asawa ba ay di na kayang gawin ang kaya ng isang single?
  • Bakit hindi pwede kung lalaki o di kaya ay ehem! bakla? namimili pa eh!
  • Mas mabilis bang kumilos ang babae sa lalaki o di kaya ay mas mabilis kung single kesa may asawa? Mabilis magtrabaho hindi mabilis ang kamay.
  • Ang kwalipikasyon ba na  tulad ng edad na ito, gender at status ay may sinusunod na batayan na standard sa lahat ng trabaho?
  • Mas magaling ba ang babae sa kalalakihan? magaling magtinda hindi mambola.

   Ilan lamang sa katanungan ng aking pag iisip. Di naman sa naghahanap ako ng trabaho kundi naiisip ko ang ibang nangangailanagan ng ikabubuhay. Mas marami raw ang kababaihan buhat sa pagaaral ng ating mga ispesyalista. Isa ba ito sa dahilan?. Maraming kwalipikasyon ang nagnanais lamang ng hanggang 35 anyos, ito ay buhat sa pagsasaliksik ko sa Internet. Ano kaya ang dahilan at ng lubos na maunawaan ng atin mga kababayan? Napakarami sa ngayon ang hindi nakakatapos ng pinag aralan dahil sa pagtaas ng bilihin, tuition at di sapat na kinikita ng mga magulang.

   Naisin mang bigyan ng magandang buhay ang mga anak, mapagtapos ng pag aaral sa kolohiyo ay hindi namagawa sa ngayon, at paano kung ang anak mo ay lalaki? Ibig sabihin ay hindi na sya pwede sa trabahong ito? kawawa naman. kaya pala mahirap humanap ng tabaho sa ngayon dahil sa ganitong mga kwalipiksayon, eh bakit sa amerika, kahit uugod ugod na ay nagttrabaho pa rin tulad ng aking nasaksihan sa isang ospital, mukhang 80 o 85 anyos na si lola ay nag aalaga pa ng mga sanggol? Hirap na hirap nga ako habang pinagmamasdan kung paano nya bibihisan ang isang linggo palang na gulang na sanggol.

   Sa Pilipinas pala ay masyadong mapili sa paghahanap ng trabaho ang isang organisasyon, ito ba ay sa kadahilanang marami ang ating populasyon at masa marami sa atin ang walang trabaho kung kayat namimili tayo ng ganitong mga kwalipikasyon? sa amerika, ang tawagan doon ng isang regular na empleyado at ng boss ay base sa kanilang unang pangalan tulad ng kung ang pangalan ng boss mo ay Gerry Santos, ang tawag mo sa kanya ay "Gerry", first name basis kung baga. Bakit sa Pinas ay may "Mam at Sir" pa? Ito ba ay kaugalian na saan natin namana?

   Ibalik natin sa kwalipikasyon na aking napagtutuunan ngayon ng pansin sa kadahilanang ako ay tumatanda na at naghahanap ng ibang pagkakakitaan kung halimbawa ay nawalan ako ng hanapbuhay, napakahirap pala kahit sa isang nagtapos ng kolohiyo ang mag apply. Kung mahirap humanap ang isang propesyonal, paano ang ating mga kababayang high school ang natapos?

pagnila-nila-yan at kuru-kuru-hin.


No comments:

Post a Comment