Wednesday, April 6, 2011

eSeM


   Nakakatuwa naman ang aking mga kababayan sa pagbubukas ng dalwang pamilihan mula sa isang tanyag na departamento na kilala sa “eSeM”, nakita at natunghayan ang pagnanais ng isang magandang pamumuhay. Malmig sa loob, aircon daw at masarap lumakad lakad na hanggang patingin tingin lang din naman dahil di kayang bmili sa liit ng sweldo mula s pagiging guro, kulang pa kasi para sa pag aaral ng mga anak at baon sa araw araw ang natatanggap. Nagtapos sa Kolihiyo si Sisa pero siguro sa dami ng kasabayang nagtapos buhat sa ibat ibang panig ng Pilipinas ay napakahirap humanap ng trabaho at ng makakita ay nasorpresa sa baba ng matatanggap na swedlo. Hindi naman makatanggi sa kadahilanang, kapit sa patalim na ang pangangailanagan.

   Maliwanag, malamig at ibat ibang paninda ang makikita sa loob ng “eSeM”. Masarap na mga pagkain na ditto lamang matatagpuan tulad ng Kenny Rogers, Starbucks at mga pinagbibili na para bang mga mamahalin pero makikita mo ring nagkalat sa lansangan. Tuwang tuwa ang mga bata, ibat ibang palaruan kasi ang nasa sa loob. Kung nakukulitan ka sa tatlo mong anak ay pwede mo ng iwan sa hawla, ay! S palaruan pala na may oras bago mo makuha muli ang iyong mga nak, per oras ang bayad at di sila makakalabas. O diba, edi, libre ka na sa pag wiwindow shopping. Ok lang wag bumili, busog naman sa tingin at malamig sa loob, at least walang bayad ang aircon, libre.
   Mahilig akong bumili ng libro, pinipilit kong tapusin ang pagbabasa pero diko magawa, busy kasi ako sa pag susulat  tungkol sa mga bagay bagay na aking naoobserbahan sa araw araw at pakikipag usap sa ibat ibang tao sa aking kapaligiran na may ibat ibang antas ng pamumuhay, may mayan, mahirap o di kayay katamtaman lamang na kinikita. Ang liwanag pa sa loob ng “eSeM”, may libreng “wifi” na tinatawag na at kahit sa mga Cellular Phones pwede na ring gumamit ng internet. Ang galling naman ng nakaisip nito, sigurado ako, napaka yaman ng may ari .
   Ang mga taga probinsya, tuwang tuwa na, di tulad noon mahigip na talong oras ago makapunta sa pasyalan at bilihang tulad nito. Sa ngayon, sasakay ka lang sa jeep or trike, ok na. Nasa “eSeM” na. Puro taga lugar naming ang aking nakikita, teka ayun si Robi at wow may kasama, pwede na rin palang mag date sa “eSeM”. Teka bakit andaming tao kahit wala naman akong nakikitang pinamimili? Pasyalan lang ba talaga ito, akala ko pamilihan.

   Nagbayad ako kanina sa kinain kong lugaw. Aba e wala daw syang bente singko sentabos na pansukli, teka nakakahiya naming kunin ko e maliit na halaga, wala na ngang nabibili sa ganitong sentimo. Kung wala silang panukli bakit ang presyo e php 30.75? sana ginawa ng 31 pesos para di magulo at teka kung sabihin ko kayang wala akong 75 sentimo e ok lang din kaya?

1 comment:

  1. Ito na ang bagong plaza, park at tambayan all-in-one. Pero ano nga baga ang kapalit, ano?

    ReplyDelete