Photo from Senator Pia Cayetano Official Website
Dalawa sa pinagpipitagang Senadora ng sambayanang Filipino ang tumanggap sa 150 na kababaihang liders mula sa ibat ibang sulok ng Pilipinas. Sina Senadora Miriam Defensor Santiago at Senadora Pia Cayetano ay malugod na nakipag dayalogo mula sa pagoorganisa ng Reproductive Health Advocates Network (RHAN) at Likhaan ang mga kababaihan na nagmula pa sa malalyong lugar upang maipakita ang pagkakaisa sa pagsusulong ng RH Bill. Pinag usapan ang mga suhestyon at kung paano makukumbinse ang iba pang senador na di pa nakakapag bigay ng kani kanilang opinion sa agresibo at isyu tungkol sa Reproductive Health na isinusulong na maisabatas.
Suhestyon ni Senadora Santiago na mag email o sumulat sa mga Senador upang masabi kung ano ang nasa loobin ng mga kababaihang sumusuporta sa isinusulong na maisabatas. Kung maikwekwento rin ang mga pangyayari sa kani kanilang buhay na maipapakita ang pangagailangan ng RH Bill ay mas maganda upang malaman at maintindihang lubusan ng mga Senador na di sumasangayon ang kanilang kalagayan lalong lalo na para kina Senador Vicente Sotto at Senador Juan Ponce Enrile na tumutuligsa sa RH Bill.
Kilala si Senadora Santiago sa mga nakaktuwa ngunit totoong ma reaksyon at salitang binibitiwan. Ibahagi ko sa inyo ang mga binitiwang salita ni Senadora Santiago na sa tingin ko ay patungkol sa mga Pari at Senador na mga Anti RH Bill.:
1. “Not true that we are in favor of abortion.”
2. “ Not true na ang pills ay pang abort.”
3. “RH Bill is not only about education but empowering women.”
4. “ Ginawa ng Diyos ang Babae mula sa kanyang buto at hinipan, Ang Lalaki ay galling sa Putik kaya mas magaling talaga ang Babae.”
5. “Kung di makuha sa santong dasalan. Sapukin mo na.”
6. “Di nila maisip ang koneksyon ng kahirapan sa RH Bill.”
7. “ Di naman sinasabi na mag sex ng mag sex sa Bibliya pag kinasal, bakit ibang tao ang naguutos.”
8. “ Basta ako alam ko may karanasan sa pagtatalik, ang mga Pari wala.”
9. “ Walang block vote ang katoliko, so bakit sila matatakot sa katoliko?.”
Sa kasalukuyan ay hold ang session para sa RH Bill at magsisimula muli sa Nobyembre ngunit umaasa ang mga tagasuporta na maisasabatas na ito bago matapos ang taon lalong lalo na at naisama ito sa LEDAC ni Pangulong Benigno Aquino at ipinapakita nya ang kanyang suporta.
www.againstrhbill.blogspot.com
ReplyDeleteOral Contraceptive pills in breast cancer?
is it true?
jane
www.againstrhbill.blogspot.com
ReplyDeletewww.againstrhbill.blogspot.com
im a pill user please explain this. thanks
jane
http://blogwatch.tv/2011/09/contact-the-senators-about-the-rhbill-here-is-a-list/
ReplyDeleteAt this point, its all about the numbers for me, to pass the bill. We need to convince the senators to say "Yay" when voting comes. Help in convincing the undecided. When we have a majority, we have a chance.