Monday, October 3, 2011

Disiplina at Pamumuno

Ilang dekada na ba ang nakakaraan ngunit paulit ulit pa rin nating nararanasan ang salot ng pagbaha na alam naman nating lahat kung saan nagmula tulad ng:

1. Pagtatapon ng basura sa ilog, kanal, lansangan at estero.
2. Pagpuputol ng puno ng kagubatan
3. Pagpapatag ng mga bundok upang gawing mga subdivisions





Ilan lamang sa mga halimbawa kung bakit nagkakaroon ng baha sa ating kapaligiran na nagdudulot sa karamihan ng isang kalamidad. Oo nga at di natin maiiwasan ang mga bagyong nadating sa ating kapuluan ngunit napagisip isip na ba natin na sa pagdaan ng mga araw ay bakit nag mamalma pa ang mga pagtaas ng tubig sa ilog at pag apaw nito papuntang kalye o lugar na ating tinitirhan.

Napakadali naming intindihin at gawin ngunit bakit pinag kikibit balikat lamang natin ang disiplina na atin dapat na ginagawa. Karamihan ba o mayorya ay hindi nakakaalam ng batas na isinusulong sa tamang pagtatapon at paglilinis ng basura na tinagurian nating Republic Act 9003 o Waste Management System? Ito ba ay naipamahagi na ng Lokal nating pamahalaan upang lubos malaman ng komyunidad?

Sa ibang bansa, ang lahat ng “wirings” ng mga utilities tulad ng ginagamit natin na mga kable ay nakabaon sa lupa. Mga utilities tulad ng sa kuryente, telepono at kung ano ano pa kahit nga ang gas na ginagamit sa mga lutuan ay nakabaon o “centralized” na rin sa lupa. Hindi tayo mawawalan o mapuputulan ng kuryente kung magiging ganito ang ating sistema sa Pilipinas. Alam kong mahal at mabusising gawain ngunit ang bilyon bilyon nating nagagastos kada taon sa delubyo at pagkukumpuni ay nagkakapatong patong lamang, sinosolusyunan natin ang salot na dinulot ng ating kapabayaan, ano kaka kung ating remedyuhan na agad upang sa pagdating ng kalamidad ay maiwasan ang pagbubuwis ng buhay.


Mayorya sa Pilipinas ang hindi nakapagtapos kahit sa high school kung kaya’t di natin maikukubli ang kahirapan. Tumaraas kada taon, dumarami ang ipinapanganak, ang nagugutom at ang mga naghihirap sa pamayanan. Ano ang solusyoin na dapat nating mailatag para sa ating pamahalaan? Sa pagdami ng populasyon ay pagtaas rin ng basura dahil sa “consumption”, “Law of supply and Demand” ika nga, mas marami ang nangangailangan ngunit ang trabaho ay hindi sapat. Marami ang nakakatapos ng kolehiyo ngunit kokonti ang papasukang trabaho o mga”investor” sa ating komyunidad, ano ang mga kadahilanan? Sa Pilipinas na napakaganda ng klima, marami pang tatayuan ng pabrika at mura ang pasahod sa manggagawa, ano ang dahilan sa hindi pagdami ng mga gusting mamuhunan sa ating bansa, bakit parang nagaalisan pa yata.

Kung susuriin nating mabuti, mayaman ang Pilipinas. Sa likas na yaman at sa taong makakapagbigay ng kaunlaran sa ating bansa. Magiliw ang mga bata sa pagkanta ng Lupang Hinirang, may damdaming Filipino. Kanilang pinagaaralan ang tamang pagmamahal sa bayan, bata pa lamang ay hinuhubog na ng eskwelahanan. Nasaan na ang ating mga mambabatas at mga opisyal ng pamahalaan, nalimutan na ba nila ang kanilang sinumpaan? Kantahin nating muli ang ating pambansang awit upang maalala nila ang pinaglaban ng ating mga bayani.

1 comment:

  1. Mam, Good day po.
    Nais ko pong humingi sa iyo ng payong legal sa patungkol sa tamang sukat at ayos ng kalye na napapalood sa sa isang subdivision. Nararapat po bang ang kanto ng lote sa tapat mismo ng magkasangang kalye ay naka kanto at hindi naka-radius? kasi po sa gagawin ng may ari sa paglalagay ng poste sa kanto ng property line nya ay di na makakaraan ang ang pang pribadong sasakyan.Maraming salamat po. David B. Rizal.

    ReplyDelete