Monday, February 7, 2011
FIVE SIX- KAPIT SA PATALIM
Bakit nga ba sa hirap ng buhay ngayon, dimo alam kung dahil sa katamaran ng mga tao, korapsyon mula sa gobyerno o sadyang mahirap kumita ng pera sa ngayon. Ang ating mga kababayan, naisin mang gumanda ang buhay at mamalagi sa magandang kapaligiran tulad ng pag punta sa hotel at magbakasyon sa boracay ay dina magawa sa ngayon. Ido ba ay dala ng lumalago nating populasyon o dala lamang talaga ng kahirapan.
Sa ngayon, maraming magulang, gustong mapagtapos ng pag aaral ang kani kanilang mga supling, upang magkaroon ng magandang buhay. Nangangarap na sana ay di matulad sa dinaranas nila na simulat simula ay kahirapan na at paghihikahos ang natunghayan sa buhay. Kahit anong trabaho susubukan, kahit na anong sama ng panahon susuungin, magkaroon lamang ng kita para sa pagkain sa araw araw o kaya para sa pantustos sa pag aaral ng mga anak.
Ano ba itong tinatawag nilang five- six sa ngayon, noong bata pa ako, malimit kong naririnig ito na para bang isang masamang gawain o naghihikahos kana o kapit sa patalim na matatawag ang ganitong eksena or gawain. Ano ba talaga ito? Sa aking natunghayan at lubos na nalaman na ito ay isang uri ng pag utang na ang kapalit ay ang suma tutal ng inutang o kabuuan kasama ang interes na mas mataas pa sa bangko kung ikaw any uutang, ito rin ay pang madalian at minsan walang hinihinging kolateral na tinatawag. Minsan blangko ng tseke o kaya ay titulo ng lupa ang kolateral na iyon naman ay nasa paguusap ng dalwang panig, ng nangutang at ng inutangan.
Ngunit bakit halos isumpa o murahin ng umutang ang kanyang inutangan? ito ay sa kadahilanang napakataas ng posyento na ipinatong sa kabuuan ng inutang. malimit ito ay sampung posyente, halimbawa, kung ang inutang mo ay isang daang libong piso, sa loob ng isang buwan o di kaya sa petsa na inyong pinagkasunduan, papatong ng sampung porsyento o sampung libong piso, kung kayat ang ibabalik ng umutang sa inutangan ay 110,000.00 pesos na. Minsan, kaya nakakainit ng ulo ay sa halip na isang buwan ang gawing palugit ng nagpautang ay dahil siguro sa kasuwapangan sa pera ay ginagawa na lamang na isang linggo o mas maikli sa isang buwan kung kayat ang gipit lalo pang nagigipit. Paano na aasenso ang buhay ng Filipino kung ganito ang gawain, masisisi ba natin ang umutang at ang inutangan? paano ba ito sosolusyunan? kung kumikita ang nagpapautang, bakit di sya nagbabayad ng buwis sa pamahalaan? sa higpit at tindi ng pangangailanagan, kailangan ba talagang kumapit sa patalim?
Mga katanungan ng isang ordinaryong mamamayan, bakit nangyayari ang ganitong sitwasyon? kanino ang sisi, kanino ang baling ng kamalian? Saan natutunan ang ganitong gawain, ito ba ay matatawag na isang kultura o nakagawian ng isang Filipino? Ang solusyon, kung sino man ang makakasagot ay magbibigay ng napakalaking kaginhawaan sa buhay ng isang mamamayan. saan nanggaling ang salitang five six? Ang tao minsan kapag naninigil, alam namang kaya umutang dahil sa naghikahos, nagipit o may inaasahang darating na pera sa takdang panahon na makakapagbayad sa inutangan, ngunit paano kung na delay ang inaasahang matatanggap sa araw na magbabayad rin? ano ang isasagot mo sa iyong inutangan? maniniwala ba sya o basta na lamang bang tatangapin ang iyong paliwanag? may interes paba sa panahong di ka nakapagbayad sa takdang panahon? Kung ano man ang sagot, tiyak ko, kawawa ang mahihirap na nagigipit at walang tiyak na kasiguraduhan ang pagdating ng pera, paano na ang mga pinag aaral nito? kanino ibabaling ang sisi? sa may katawan ba o sa gobyerno na walang ginawa kundi mangurakot ng kaban ng bayan. Sa iyong palagay, kanino?
Sa aking pagsasaliksik, dumarating sa buhay ng isang tao ang magipit. Ito ay sa kadahilanang hindi parepareho ang agos ng buhay, may kasabihan nga, sala sa lamig, sala sa init o kaya naman, di lahat ng araw daw ay pasko. Kung ating susuriin, kung makakapagbigay lang ng magandang pagkakabuhayan ang ating gobyerno sa bawat tao dito sa ating bansa, tulad ng pondo para sa kooperatiba o kaya naman ay mga skolar di lamang para sa may mataas na talino ng kaisipan kundi sa mga pangkaraniwang pagiisip na magbibigay ng magandang pundasyon dahil sa pag aaral, sigurado ako uunti ng naghihirap. Pera lang daw ang katapat, nabibigyan nga natin ng pondo ang mga nakaupo sa kongreso na pinagpapagawa ng mga daan at gusali, bigyan kaya natin ang ilang ordinaryong mamamayan ng mga pagkakabuhayan naman na makakatulong sa itataas ng kwalidad nila sa buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment