Thursday, February 17, 2011

TATLONG DEKADANG BASURA

                                    Grace Nicolas, Mayora Felisa Berris and Board member Angelica Jones

   Sa loob ng tatlong pung taon, dinadaan daanan, nilalampasan lampasan at nalalanghap ang mabahong amoy mula sa daan, minsan umuusok usok pa. Ito ang naranasan ng mga biyahero mula sa ibat ibang bayan patungo sa ciudad ng San Pablo na kung saan makikita at nakalantad sa mata ng madla ang pinagtatapunan ng basura mula sa truck na galing sa Calauan at minsan ibat iba pang truck na galing sa ibang munisipyo ang natutunghayang nagtatapon dito. Sa pagkakaalam ng mga ordinaryong mamamayan, ito ay ligal na tapunan ng basurahan ng munisipyo ng Calauan na may humigit kumulang na may 60,000 kataong naninirahan at nadaragdagan pa sa ngayon dahil sa ginawang National Housing Authority na kung saan mahigit kumulang sa tatlong libong pamilya ang inilikas dito mula sa ibat ibang trahedya sa maynila.

   Ang Republic Act 9003 na mas lalong kilala sa "Ecological Solid Waste Management Act of 2000" ay may mga alintuntunin na dapat sinusunod ng isang lokal na gobyerno. Nakasaad dito na kailangang pangalagaan ang health ng mga mamamayan at ng nakapalibot dito, Ienganyo ang mga mamamayan na gumamit ng tamang pamamaraan na kung saan ay maiingatan at lubos na magamit ang mga bagay upang makatipid sa konsumo, magkaroon ng susunding proseso na kung saan mabawasan ang basurang itatapon, uliting gamitin, paghiwahiwalayin ang mga basurang di magkakapareho bago mailagak sa MRF o material recovery facility na naaayon sa prinsipyo na itinalaga ng batas, enganyuhin ang mga pribadong mamamayan sa tamang pagtatapon ng basura. Ito ay ilan lamang sa alintuntunin na nakasaad sa RA 9003 na kung saan ay nararapat na magawa at ipasunod ng lokal na pamahalaan.

   Sa loob ng napakatagal na panahon, tatlo ng pamunuan ang umupo sa munisipyo ng Calauan, noong nakaraang taon lamang, natunghayan at ikinagulat ng karamihan ang pagsasara ng nasabing basurahan sa tabi ng daang pang publiko. Ang mamamayan ay nagtatanong, kung noon pa ay ilegal na ang tapunang ito, sa loob ng mahabang panahon, ngayon isinara ng wala rin namang nakatalaga ng alternatibong pagtatapunan ang labing pitong barangay ng Calauan? At sa loob ng halos tatlong dekada, ngayon lamang ba nalaman na ilegal ang pagtatapon dito na kahit sinuman ang dumaan ay malalaman mong tapunan ng basura sa tabing daan? Tayo ba ay nagbubulagbulagan? ano ba ang naging posisyon ng DENR at ng pamahalaang lokal tungkol dito? at sa ngayon, saan dinadala ang basura?

   Aking nakadaupang palad ang bagong halal na dating Mayor ng Los Banos na sa ngayon ay Bise Gobernador ng Laguna kung paano nya nagawang pasunurin ang mamamayan ng kanyang nasasakupan sa hindi pag gamit ng plastik sa lahat ng tindahan. Ang munisipyo ng Los Banos ay tinagurian noong panahon ng dating pangulong Ferdinand Marcos na Science City na halos Otsenta porsyento ay gubat at di maaaring galawin tulad ng bundok ng Makiling. Naririto rin ang tanyag na University of the Philippines na kung saan ang mga tinaguriang iskolar ng bayan ay nag aaral. An sikreto, sabi ng Bise gobernador "Three months mind conditioning". Na kung saan sa loob ng tatlong buwan ay nagsagawa sya ng pagtitipon, seminar o forum upang ipamahagi o ipahayag ang kagandahan at benepisyo ng pag gamit ng papel kesa sa plastik na sa ngayon kahit iba na nag namumuno ng bayan ay sinusunod pa rin ng mga mamamayan.

   Ilang linggo lamang ang nakakalipas ng ipatupad rin ng lunsod ng muntinlupa ang dina pag gamit ng plastik sa lahat ng tindahan at kung ito ay nagawa ng ibat ibang bayan, sana magawa rin dito sa maliit na bayan ng Calauan. Ang problema sa pagtatapon ng basura ay isang malaking isyu noong isang taon pa at sa pag iisip ng mga mamamayan ay ano ang dahilan at dipa masolusyunan. Napag alamn rin na sa lungsod ng san Pablo nadadala ng truck ng basurahan mula sa Calauan na kung saan nagkaroon ng Memorandum of Agreement ang dalwang bayan hinggil dito na nakasaad na labing pitong barangay ng Calauan ang magtatapon sa lunsod ng San Pablo. Ang tanong? may bayad ba ang pagtatapon sa ibang bayan at king meron ay magkano? diba sapat na magkaroon ng tama o ligal na tapunan ng basura sa Calauan na kung saan baka sa hinaharap ay mas makakamura pa at makakatipid upang magamit pa ang ibang pondo sa ibang pangangailangan ng bayan?

   Ordinaryo at pribadong mamamayan lang po ang nagtatanong na walang alam sa batas ngunit nakakakita at nakakarinig ng tama at mali. napagtatanungan rin ng kapwa mamamayan ngunit ang kasagutan ay dipa rin maarok ng kaisipan. kahit mga opisyales ng barangay ay nagtatanong at sino ba ang isang pribadong mamamayan upang makaalam ng kasagutan. Ang MRF, mahal ba ito at wala na bang ibang paraan upang di masiphayo ang mga mamamayan sa mga inilagak na mambabatas sa lokal na gobyerno? DENR ba nag sasagot sa problema ng pamahalaan tungko dito? Alam ba ng mamamayan na bawal ng magsunog ng basura upang maprotektahan ang ating ozone layer sa mapaminsalang usok? Epektibo ba nag nagagawang "awareness program" kung mayroon ang lokal na pamahalaan upang maintindihang mabuti ng mga mamamayan ang tamang pamamaraan sa mga isyu na dapat maresolbahan? May pera ba sa basura namapapakinabangan ng mga mamamayan? may pondo bang inilagak ang nasyonal na pamahalaan ukol dito para sa lokal na pamahalaan? ang nakatalaga ba sa MENRO ay espesyalista sa kanyang hinahawakang posisyon na sa ngayon ay nararapat ng lubos na makatulong sa pamahalaan at nasasakupan nito? Isa lamang ang huling katanungan, kailan magkakaroon ng ligal na tapunan ng basura o MRF ang buong pamahalaan ng Calauan?

2 comments:

  1. We have these solustion for eveyone's garbage problem at a small initial cost for Pre-feasibility Study reimbursible upon Investor approval, then no more cost of building and supplying equipments for it and with great potential profit generation for host-government:
    http://jayarec.juneayasol.com/ENERGY-FROM-WASTE.pdf

    ReplyDelete
  2. hi June,
    talked with Bert already bout this but your suggestion is good too. theres only one problem, i am a private citizen and the LGU must be the one solving this problem. If only I have the means, I'll do it myself for the community. Cheers for eutopia.
    G.

    ReplyDelete