Monday, February 7, 2011

TRIAL HERE, TRIAL THERE, ANO BA TALAGA?




   Ano ba naman at kabi kabila ang demandahan dito sa pinas, aba e mga abogado lang naman natutuwa at kumikita dito. Twenty thousand ang pinaka mura na tanggap ng isang abogado sa isang kaso, paano na ang nagbabayad nito, sigurado naman ako na mahirap kumita ngayon ng pera at kahit limang piso di na maibigay bilang limos. Ano ba gustong patunayan ng mga naghahabla? Na sila ang tama at pinaglalaban ang kanilang karapatan? diba pwedeng mag usap na lang muna sa simula ng maayos at tingnan ang lahat ng anggulo kung paano masosolusyunan ang problema. Di naman kailangan sa hablahan ang punta.

   Mabuti sana kung ang lahat na inihahabla ay nakukulong sa salang kanyang kinasangkutan o nabibigyan ng aral kung totoong nagkasala. Pero papaano kung ang mga mayayaman lamang ang nakakakuha ng hustisya na minsan pa ay di naman talaga para sa kanila, marami lang pambayad at kumpare nya ang fiscal o hukom kaya sya ang napaboran. Maige kung ang pinaglalaban ay totoong para sa katotohanan at hustisya, marami ng ganyan sa pilipinas, mahihirap man, pinaglalaban ang kanilang karapatan, mga taong may integridad kahit igapang ang pangbayad sa abogado, makamit lang ang katarungan.

   At eto pa ang isang halimbawa, alam ko na humingi na ng sorry itong si carlos Celdran, ang tourist guide na pumasok sa Manila cathedral at ikinulong dahil sa pag ddisturb daw ng misa. Isa kasi syang RH bill advocate at pinaglalaban ang seperation ng simbahan at gobyerno. bakit naman may trial pa? sabi nga ng mga relihiyoso, pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay, e bakit habla ang binato sa kanya e nagsisigaw lang naman sya sa lloob ng simbahan? dami nga dyan ng rape, pumatay, nagnakaw e mukhang delay pa mga paghahatol at kung minsan, dipa ma solusyunan ng pulisya kung sino ang gumawa ng mga karumal dumal na gawaing nabanggit. Ano ba naman yan? unfair yata o baka naman dahil sa si Carlos Celdran ang nagpamulat sa taong bayan ng kahalagahan ng Reproductive Health Bill na sa ngayon ay pinangalanan ng Responsible Parenthood bill. Ana ba talaga mga kaibigan ko sa CBCP.

   Eto pati ako, sa kakasulat ko at kadadaldal ng katotohanan e may complaint na rin, aba e totoo naman sinusulat ko, mahirap mag imbeneto ha. At isa pa, Facebook yun, dun ko sinulat at inilagay, bawal na pala yun at isa pa, diko alam mga presidente pala ng isang institusyon na relihiyoso e nag FFacebook? natatawa naman ako e. Sana may hustisya sa ganito, pinagkakaisahan yata ako. Basta ako sa tama at katotohanan lang, mukhang minomonitor pa nila lahat ng sulat ko, aba edi magaling, marami na akong fans, e kaso, di naman ako artista, ano ba yan? Ano kaso sa akin? "offending religious feeling din"? naku sa mga makkabasa, kayo na humusga at ako e sawang sawa na, ikaw na magsabi ng totoo e mali at may kwestyon pa, gumawa kaya ako ng mali batay sa moralidad? may kwestyon pa rin kaya? Hirap kasi sa pinas, puro crab mentality, pag nakitang tumataas ka at nakakagawa ng di nila kayang gawin, e hiilahin ka sa baba, ganun dito, dyan ganito rin ba?

No comments:

Post a Comment