Monday, July 18, 2011

GREED


Me and Blogwatch team with the new Chair of PCSO Margarita Juico on the Scandal that Manuel Morato exposed

Kung kumakalam na ang sikmura, ibat iba ng nasasaloobin o iniisip ang kayang gawin ng isang nilalang. Labag man sa kalooban, kung sa tindi ng gutom ay gusto ng maibsan ang sakit at hapdi ng kalamnan, hindi na masisisi kung makagawa ng labag sa kalooban.

Sa pagdami ng populasyon ng Pilipinas at sa sobrang kahirapan na dinaranas  ng karamihan o mayorya sa ngayon, kabi-kabilang krimen ang natutunghayan na sa murang isipan ay hindi maarok ang pinagmumulan, maliban sa kahirapang nakalatag sa ating pang araw- araw na pamumuhay. Makamundo at may sa dimonyo ang sabi ng karamihan na mulat sa nangyayaring katotohanan sa ating lipunan.

Sa malalaking delubyo buhat sa kurapsyon sa gobyerno na ating napapanood ng aktwal o sa telebisyon, lahat ay pagka gahaman sa posisyon, lakas at makamundong material na mga bagay ang pinag-uusapan. Nang magpalitan ng maaanghang na salita ang dating Chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Manuel “Manoling” Morato at ang nakaupong chairman sa ngayon na si Margarita “Margie” Juico, ating natunghayan at pinag-isipan kung sino ang nagsasabi ng hubad na katotohanan.

Umalingawngaw ang mga Obispo sa paratang ng Commission on Audit sa malakihang pagbibigay ng mga mamahaling sasakyan na sa tingin nila ay labag sa Saligang Batas. Kanya kanyang interpretasyon at paghuhusga ang nangyayari hanggang sa ngayon kung sino ba ang mali ngunit lahat ay sa dating administrasyon ang patutunguhan ng paglilitis. Natural, dahil ang PCSO ay hawak ng malakanyang at hindi ng anumang departamento sa loob ng gobyerno.
New PCSO PR Manager Mr. Dante Ang of Manila Times

Sa paglilitis ng Ampatuan Massacre na isa sa karumal-dumal na pangyayari noong 2009 at hanggang ngayon ay tumatanggi pa rin ang mga inakusahan kahit na sa matibay na ebidensya na nilalatag ng mga kamag anak ng nasawi, ano ang patutunguhan at mabibigyan ba ng hustisya ang 58 na inosentang mamamayan at kapatid nating binaboy ang pagkatao at walang awang kinitilan ng buhay?

Sa hungkag nating kamalayan, sa araw araw nating pakikisalamuha sa ibat iba nating kababayan at sa pag oobserba sa gobyerno na ating nakamulatan, may pagbabago pa kaya?. Ang pagka gahaman sa posisyon, pera o materyal na bagay ang puno ot dulo ng lahat na krimen na nararanasan at gumigitla sa ating inosenteng kamalayan. Kung kultura ang pagbabatayan, sa loob ng 400 taon sa kamay ng dayuhan, tayo ba ay naimpluwensyahan sa kahayupan? Wala bang maganda man lang na naidulot ang mga sibilisadong ipinamana sa atin ng mga mananakop?

Sa pagbulgar ng dayaan sa eleksyon sa Maguindanao, iisa pa rin ang tinuturo na sa bibig ni Senator Miguel Zubiri ay isang Sindikato. May mga sindikato palang nakaupo at nahahalal muli sa ating gobyerno? Pagtatanong ng isang pribadong mamamayan. Kung mga sindikato o mga masasamang loob ang nakaupo sa gobyerno, sino ang magtatanggol sa sambayanan, sa mga naaapi at humihingi ng katarungan?

Tila yata sa halip mawala ang alinlanagan sa gobyerno, sa pagkamulat ng isang pribado at mapagtanong na mamamayan ay tila, natatakot pa at nananaig ang pagka walang tiwala sa mga nakaupo sa mataas na posisyon na pinag-aawayan ng mga gahaman at ng mga ang alam lamang ay kumaway at ngumiti sa taong bayan. Nasaan  na ang mga Rizal at Bonifacio na handing ibigay at ilaan ang buhay para sa minamahal na inang bayan? Nasaan na ang kabataan na dapat magsilbing pag asa ng sanlibutan?.

Sa Pag-upo ng Dilaw na administrasyon, nabulgar ang mga karumal-dumal, kawalang-hiyaan at kababuyan ng ma iniupo sa bayan. Malayo pa ng susuungin upang makita ang liwanag na minimithi ng karamihan, ngunit kailangang maintindihan, sa sama sama at pagtutulungan ng lahat hindi ng iisang tao lamang makakamit ang liwanag na inaasam.
Me and Atty. Aleta Tolentino, the new Director under PCSO reading to us the COA report


No comments:

Post a Comment