Wednesday, July 20, 2011

Pagkakaisa upang mai pasa! Laguna speak out for RH Bill.


July 19, 2011- San Pablo City, Isang malaking okasyon ang naganap para ilunsad sa kauna-unahang pagkakataon sa Laguna na may 26 na munisipyo at lima na syudad ang idinaos para sa “Purple Ribbon Launch” na may pinamagatang “ Laguna speak for RH: A forum for the passage of RH Bill.” Ito ay sa pakikipagtulungan ng ibat ibang organisasyon ng Reproductive Health Advocates Network (RHAN) na pinangunahan ng BMP, Dampa, Do It Right advocacy (DIR), Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP), Family Planning Organization of the Philippines (FPOP), Likhaan, Patamaba, PLM at Partido mangagawa (PM).

Mahigit kumulang sa limang daang mga lider buhat sa ibat ibang panig ng Laguna ang dumalo para maipakita ang suporta sa ikapapasa ng nasabing isinusulongna isasabatas na panukala. Mula sa ilang linggong pag oorganisa at pagbibigay ng imbitasyon, naging matagumpay ang pagsasama sama ng mga lider at nagkaroon pa ng salo salo na pananghalian.

Isang magandang pagbati ang bumungad sa mga partisipante buhat sa Chapter President ng Family Planning Organization of the Philippines (FPOP) sa Laguna. Sinundan ito ng pagbibigay ng impormasyon sa karamihan ng sitwasyon ng pangangalaga sa Reprodaksyon sa Laguna ng Hepe buhat sa Technical Division ng Population Commission (POPCOM, Region IV).

Mike Potentiano, Councilor Mole, me and Lindy Pellicer

Isang napakandang paliwanag ang ibinigay ng National Chairman buhat sa Democratic Socialist Women of the Philippines na si Elizabeth Angsioco kung saan kanyang tinalakay ang kahalagahan kung maipapasa ang labing- anim na taon ng nakabinbin na isinusulong na isabatas.

Nagkaroon din ng pagbibigay ang ibat ibang lider ng organisasyon ng kani-kanilang dahilan kung bakit nila sinusuportahan ang Reproductive Health Bill. Pinangunahan ni Father Daniel Rapanot buhat sa Iglesia Filipina Independente (IFI) ng San Pablo City, pinangalwahan ni Angelina Javier na isang Nurse buhat sa FPOP. Mula sa Samahan ng mga mangagawa at mga lider na kababaihan na nagbigay ng kani kanilang suporta at pagpapaliwanag ay sina Imelda Ricafort buhat sa Partido Mangagawa (PM), Laura Nunez na isang Secretary General mula sa Akbayan Kababaihan, Juliana Canta na isang National Auditor buhat sa Patamaba, Benedicta Angeles na isang Presidente buhat sa Sta. Rita Mothers Club at Dewaine Sales-Ladaga na isang Entrepreneur buhat sa Los Banos at myembro ng Victory Christian Fellowship.


Nagkaroon ng open forum kung saan tinalakay ang ibat ibang argumento at nabigyan ng magandang kasagutan buhat sa panel. Dumating din ang Champion Car Race Driver at buhat sa San Pablo City na si Mike Potenciano at Deejey na si Lindy Pellicer upang ipakita ang kanilang suporta sa RH Bill.

Buhat sa Pamana Hall kung saan doon idinaos ang pagpupulong ay nagtungo ang buong grupo at nagpakita ng pagkakaisa sa pagsigaw ng “RH Bill, ipasa, now na!”, Nagmartsa ang ibat ibang lider at myembro papuntang Plaza at nagtapos sa harap ng San Pablo Cathedral kung saan ang Obispo ng Diocese ay naninirahan.

No comments:

Post a Comment